Friday, April 1, 2011

Chapter 2

Sophia
Some times, even if you plan... or even if you dont plan.. if God wants you to be there... you would be surprise you are in that situation..


"Sophie!" tawag ni Machete mula sa lamesang malapit sa glass wall, ang favorite spot namin sa school Cafeteria. Dun kasi sa pwesto na yon kitang kita namin si Super crush. Alam kong hindi ako dapat kumilos ng ganito, pero anong magagawa ko? asa middle school palang ako crush ko na sya.
Lumapit ako kay Machete, dala dala ang mga... let's call it incentives. Isang pink teddy bear, at dalawang box ng Chocolate brownies... my favorite!
"kanino galing? yan sisterette?" Sisterette- yun ang tawag nya sakin! matagal na kaming magkaibigan, siguro mga one week na.
"itong bear galing dun sa varsity player, yung AJ?... at itong chocolate brownies galing kay sherwin."
"bakit daw?"
Bago pa ko makasagot, na-agaw na ang attention namin ng Plasma screen na nakalagay sa wall ng Cafeteria. Kung titignan mo, para lang syang salonpas na idinikit sa wall. Ganun sya kanipis. Merong 50+ na ganitong Tv screens sa buong school.. ang bawat classroom, sa hall way, sa cafeteria, sa library, lahat ng sulok ng Academy meron nito. Talagang nilagay nila ito para sa mga announcements... kagaya nga nito..
Tuazon Academy would be having our 56th annual Masquerade ball , tomorrow at 7:00 pm at the school gymnasium. All students are invited to attend the ball. for the benefits of Tuazon Foundation.
Ang masquerade ball na yon ang sariling Version ng Tuazon Academy sa Acquaintance ball sa ibang school, ang kaibahan lang.. may bayad 'to. at syempre, hindi mawala sa isipan kong, pinagkakaperahan lang to ng mga Tuazon. wag naman sana, Isa pa, muka namang mapagkakaiwalaan ang pamilyang yon.
"I think that alone could answer your question." sabi ko kay machete pagkatapos ng Slide show.
"talaga? ang taray mo teh! ako kaya? sino kaya ang pwede kong maging date sa ball?" gusto nyang malaman.
"may face value ka naman aah... kahit sinong babae papayag na maka-date ka."
totoo ang sinasabi ko. Magandang Lalaki si machete, yun nga lang...
"BABAE? as in B-A-B-A-E? hay nako sisterette! rereglahin ako ng hindi oras sayo!!"
Palagi nya nalang akong pinapatawa. pero kahit bakla sya, di parin ako komportableng pag usapan ang mga ganitong klaseng bagay, lalaki parin sya.
"So kanino ka sasama?."
binuksan ko ang isang box ng brownies at kumuha ng isa.
"wala naman akong balak pumunta sa ball eh.."
"napaka K.J. mo talaga! sana ako nalang ikaw! puro big fish na huhuli mo!."
ano bang sinasabi nya? Si Sherwin, matagal na kaming magkaibigan, at kakahiwalay palang nila ng girl friend nya.. siguro gusto nya lang pagselosin yung ex nya. at si AJ naman, best friend sya ng pinsan kong si Kuya Ralph, palagi din sya sa bahay.
"ano bang sinasabi mo?"
"Wag ka ngang ganyan! di na uso Maria Clara ngayon! at isa pa, sayang ang beauty mo kung di mo gagamitin." sabi nya.
"sino bang nag sabing maganda ako? bukod kay Mama wala ng iba.. bukod dun ang taba taba ko pa."
"Mataba?"
"I just said!"
"Di ka naman mataba, ano ka ba? M-medyo chubby lang.. pero kering keri mo naman teh!.. Its in the FACE!."
ang taba tab ko! maraming beses ko nang sinubukang mag diet, pero mahirap talagang talikuran ang mga chocolates at cookies..
"bukod sa mga ayaw sayo, walang ibang magsasabing mataba ka noh.. at kahit pa anong laki ng bilbil mo sigurado akong mas malaki don ang puso mo."
" ganun din Sis! pinuri mo lang ako bago mo ko laitin.."
kahit na, di ko tangap ang pananaw nya sa buhay parati akong masaya kapag kasama ko sya. Ibang klase kasi talaga si Machete.. masaya syang kasama.
Mahina nyang tinapik ang shoulder ko at tumuro sa likudan ko. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko.. and KAZOOM!!
"You're not fat."



"Xymon?"
Bakit ka nandito? Bakit di ko napansin na wala sya dun sa pwesto nya sa itaas? Lord... Why do you keep on surprising me?
"k-kanina ka pa?"
I didnt expect to see him behind me... hindi, pagkatapos ko syang tarayan dun sa Kubo. Hindi naman talaga ako mataray eh. totoo yon... kinakabahan lang talaga ko kapag nasa harapan ko na sya.
"not really.. -" tinaas nya ang dalawang kamay nya. " I swear, I didnt mean to listen."
Hindi nalang dapat nya narinig... Nakakahiya.
"you're the only one who believes you're fat." mahinang sabi nya sakin.
just be who you are. Naalala ko pa rin yung mg sinabi nya. Kinilig ako dun, pero secret lang ah. Di nya pwedeng malaman.
Crush ko na sya mula nung nasa middle school palang ako... at katulad ngayon, unexpected din ang first meeting namin.
Nangyari yon nung naghost ang dati kong school ng inter-school academic contest. Part na rin ako ng school paper noon, at ako ang na-assign na mag cover ng contest.
sya ang over all champion sa contest.. And nung dumating na ang turn ko to talk to him.. kinabahan din ako.. kaya ayun... imbes na about sa contest, bout kay trish ang naitanong ko... hay...
"I came here to invite you for the ball."
sabi nya na nagpatigil sa pagdaloy ng utak ko.
"I wont take no as an answer."
Kung pwede ko lang sanang sabihin sayong, oo kanina ko pa ginawa. pero mali yon, Mali daw yon. Pero baka naman pag humindi ako humanap na agad sya ng ibang date.
Iba kasi talaga ang kahulugan ng isang Masquerade ball para sa akin eh. Isa yung gabi na puno ng pagpapanggap.
"I just want to know you more."
Tumingin ako sa Direksyon ni Trish. Pinapanood nila kami..At kagaya ng mga nag daang araw... kay Machete naka focus ang mga mata ni Trish.... Darating din naman siguro ang panahon na babalik sa normal ang pananaw ni Machete sa buhay...
"Sisterette, wag na maraming keme, palay ng lumalapit sa manok, Tukain mo na... Gora!." bulong ni machete sakin.
"45 days lang ako. Hindi mamahaling texas. Hindi bagay sakin ang thunder bird!." bulong ko rin sa kanya, which is 10 times softer kaysa sa bulong nya.. pero siguro naman narinig nya.
bigla nyang Kinuha sa kamay ko ang dalawang box ng brownies.
"panindigan mo yan! kumain ka ng mu-mo." parang isang galit na tigreng sigaw sakin ni machete. Pinanlakihan nya pa ko ng mata.. bago sya umalis bitbit ang chocolate brownies ko!! kainis!
"what did he say?" tanong ni Xymon.
Hindi na naman siguro nya kailangan pang malaman.
"No english please."
Umupo sya sa lamesa paharap sakin. God! why did you put me in this situation? I really like him... pero Unbeliever sya.. pero muka naman syang mabait eh.. ang kaso nga lang.. palagi daw syang tumatakas sa Catechism class nila..
Hindi lang pala ang social status namin ang problema.. But I believe that God has a plan for him.
"please.. I'll take care of everything."
"susubukan ko" sabi ko sa mahinang boses.
"great! I'll pick you up at six."
bigla akong napangiti sa sinabi nya, ngumiti din sya... nangibabaw na naman ang kanyang pearl white teeth at ang kanyang high bridged nose.
"bakit? alam mo ba kung san ako naka tira?"
"1227 K.V tenement at the 6th street."
W-wow! so alam nya.. LOrd please Give me a sign. mukha naman po syang mabait eh.. tangap nya parin ako... kahit na alam na nyang sa tenement ako nakatira.
Tahimik kami ng halos ilang minuto... then out of the blue... tumugtog ang For the first time. Inikot ko ang paningin ko at makailang ulit ko yun ginawa.. pero wala naman akong makitang pwedeng panggalingan ng tunog na yon.
"may naririnig ka ba?"
umiling sya tapos ay nagpakawala sya ng isang killer smile.. not literally
"Can I confess something?" sabi ko.
"Go on"
"Mas bagay sayo kapag naka ngiti ka."
ngumiti sya, marahang sinapo ang noo nya at pagkatapos ay inayos nya ang kanyang reading glass.
"Can I confess something to you as well" wika nya.
tumango lang ako
"this smile only exist when I am with you."
Bolero din pala sya... Kagaya rin ng pinsan nyang si Kurt.. kahit di ko pa sya nakakausap.. alam kong ganun sya..halos lahat kasi ng babae sa Academy naging girlfriend na nya...
"Sige na nga.. see you tomorrow."
Inayos ko na ng bitbit ang mga gamit ko. kailangan ko nang sundan si Machete.. Bago nya pa ubusin ang Chocolate brownies ko.
"Great!"
ngumiti ako sa kanya saka ako nag dire-diretsyo palabas ng Cafeteria... Nape-pressure ako dahil sa dami ng mga matang naka tingin sakin... kanina lang, nagpa-plano na ko ng mga pwede kong gawin bukas ng gabi.. lounging at the sofa.. bonding with mama.. ganito yata talaga... minsan, even if you plan... or even if you dont plan.. if God wants you to be there... you would be surprise you are in that situation..
CHAPTER 3 na!!! anu kaya isusuot nya?? do-drawing ko... LOL... makakakita kayo ng stik na naka gown.. hahahha :D